Pangalawang araw nang fasting ngayon. Yey! Salamat sa grace
ni God dahil nakakasurvive pa naman ako.
Pambihirang sipon ito, hindi maubos-ubos. Nakakaistorbo sa
pagsusulat.
Kaninang umaga, nagcollapse ako ng slight, ayaw bumukas ng
computer na ginagamit ko office. Pati siya bumitaw na rin. Mahigit isang oras
rin yung pinalipas ko sa paghihintay na dumating na yung best friend ng
computer ko. Mabuti na lang medyo lumuwag lang pala yung mga kordon sa likod ng
sing-laking ref na cpu. Kung anong inilaki niya, iyon naman ang iniliit ng
memory.
Kanina ang dami ring tukso sa pagkain. Nagdala yung isa
naming boss ng pasta. Inisip ko na lang na maasim at hindi masarap yun para
hindi ko matikman. Medyo nakakahiya rin kanina kay Nanay kasi gumising pa siya
ng maaga para balutin yung siomai, pero hindi ko naman kinain. Pag-uwi ko ng
bahay, dinatnan ko pa rin yung siomai. Hinintay ata ako, pero no way, inisip ko
naman may langaw yun sa loob. :D
Wala naman masyadong ginawa kanina sa office. Gusto ko nga
sana magkandaugaga sa mga gawain at maging busy. Nakakamiss rin pala yung
ganung feeling. Yung tipong hindi mo alam kung ano uunahin mo. (Joke lang to,
ang totoo niyan, kaya ko gustong maging busy ngayon para makalimot. Lols)
Pahabol: Naalala ko lang, sabi ng isang kaibigan kanina, "Ang love parang LRT lang yan, may nakalaang tren sa'yo. Dadating sa tamang panahon, hihinto at isasakay ka"
Good night mga kaibigan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento