Nag-alarm ang cellphone ko ng 5:35 pero parang wala akong
narinig. Naalimpungatan na lang ako ulit nang tawagin ako ni Nanay mag-aalas
sais na raw. Whhhaaattt!! Malelate na ako. Gustong bilisan ng utak ko pero ang
bagal ng katawan ko.
Mabuti na lang at may 15 minutes na allowance sa office.
Yeys! 8:04 ako nakapag-in. Wala na yung Christmas décor sa office. Pero yung
lamig ng panahon parang pasko pa rin. Medyo tambak pa rin ang gawain pero ayos
lang. Mas gusto ko naman na ituon ang sarili ko sa paggawa ng maraming bagay
kaysa gumawa ng wala. Naisip ko nga kanina, noong nag-aaral pa ako, kahit sang
tambak ang school assignments, masipag ako gumawa. Pero bakit ngayon, ayaw ko na
mag-uwi ng trabaho. Ibang- iba talaga ang school sa trabaho.
Hindi ako umuwi agad pagkatapos ng trabaho. Nagliwaliw muna
ako sa isang mall sa Binondo kasama si Max. Nabasa ko kasi sa dyaryo kanina na
may fortune tree na nakadisplay doon kaya naisipan kong puntahan. Nagwish kami
ni Max. Pero secret na lang kung ano yung winish ko doon. :p
Medyo may kaunting gusot kanina. Pero sinisikap ko talaga
isipin na ang bawat malungkot na pangyayari o problema na kinakaharap natin ay
isang paraan ng buhay para turuan tayo. Kaya naman sa nangyari kanina, natutunan
ko na masakit sa ulo ang malabong impormasyon. Kung malabong naipasa sa’yo,
baka dilim na ang maipasa mo sa iba. Kaya sa simula pa lang dapat malinaw na,
kung gusto natin magkaroon ng nagniningning sa gandang resulta. Bukod pa rito,
kung gusto natin ma-achieve ang excellence, we must exert extra effort, or go
the extra miles, sabi nga sa commercial. We should not be complacent but rather
always be dynamic. Kung inilalagay natin ang ating puso sa bawat gawaing
nakaatas sa atin, siguradong masasalamin dito ang pagmamahal na inilaan natin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento