Yey! Anniversary nila Nanay at Daddy. Kaya patuloy pa rin
akong naniniwala sa true love, dahil nakita ng mga magulang ko ang isa’t isa.
Sweet!
Nagluto siya ng all-time favorite naming stapeggi. The best
talaga spaghetti ni Nanay, walang sinabi sa spaghetti ng ibang fast food chain.
Medyo naparami kain ko.
Habang nagmemerienda, dumating Ms. B (hindi niya totoong pangalan). Ang laki ng pinayat ni Ms. B. Napansin ko rin agad ang malamlam niyang mga mata. Bakas sa mukha niya na may pinagdadaanan siya.
May sakit ang anak ni Ms. B. Kanser. Matagal nang magkaibigan si Nanay at si Ms. B. Mas marami akong naalala na naging palabiro siya kaysa sa ganito na halos hindi siya makangiti para batiin kami.
Kung may magagawa lang sana ako para matulungan ko si Ms. B. Kaya lang, kaunti lang ang naiabot ko.
Sa mga ganitong pagkakataon, lalong lumalakas ang kagustuhan kong yumaman. Sa gayong paraan, mas malaki sana ang maibibigay ko kay Ms. B.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento