Mula sa LRT, tanaw na tanaw ko ang kagandahan ng papalubog
na araw. Ang kulay nito ay parang isang kulay kahel na watercolor na isinaboy
sa puting papel. Nakakawala ng pagod pagmasdan.
May bago akong nadiskubre kaninang umaga sa office. Kanina
ko lang napuntahan yung court at gym. Dami talagang pasikot-sikot doon, gusto
ko nga subuking maglibot minsan kaso baka iligaw ako ng mumu, hindi ko
maibaligtad damit ko.
Pag-akyat ko sa may court, ang ganda ng view. Laglag panga
ko, ang dami kasing cute na naglalaro ng basketball. Kahit medyo madilim sa
court, nasisilaw ako sa kakyutan nila. Wala namang masama kung iappreciate yung
mga gawa ni God di ba. :D
Napabigkas tuloy ako ng “Good morning” :D
Naglakad ako papalapit, lalo akong namangha. Ang laki
kasi!..... Ang laki ng court, maluwag yung space. :D Minsan, isasama ko dito
yung beki naming OJT, para makapagbird watching siya. :D Maganda kasi magbird
watching kapag nasa mataas na lugar, mas tanaw mo. (Yung court namin nasa taas
ng building)
Bakit nga ba ako nandun? Ah naalala ko, pinuntahan ko nga
kasi yung nagpipiprint ng mga banner na kakailanganin namin sa mga event. Aga
kong naexercise sa pag-akyat-baba.
Kaya lang isa pang balik ko, nakasalubong ko yung isang
staff dun na kinakatakutan ko talaga. Di ko rin alam kung bakit, siguro kasi
ang lakas ng personality niya kaya kahit hindi pa siya nagsasalita, nangangatog
na tuhod ko at pinagpapawisan ng malamig.(Ayoko na ituloy kwento ko dito)
Anyway, di ako sanay na maagang umuwi. Kaya kanina, nag-isip
ako ng mapupuntahan, pero dahil parang tinatamad rin ako gumala dahil Monday,
at medyo pitaka de peligro na, umuwi na lang ako. Madalas kasi na may katagpo
pa ako bago umuwi. Pero wala na ngayon eh. Mabuti na rin ito, para tipid kahit
papa’no.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento