“Hindi maitatago ng mata, ang nararamdaman ng puso”
Bumibili ako kanina ng waffle sa may LRT. Napansin yata nung
nagtitinda ang panglaw sa mata ko. Sabi niya sa’kin, “Ate ngiti ka naman,
masyado kang seryoso eh”. Aminado ako, may kalaliman nga ang iniisip ko kanina.
Naninibago ako na wala ng nagtetext sa’kin ng “good morning Buds, breakfast ka
na” o di kaya minsa’y “gising ka na Buds, baka mahuli ka sa trabaho.”
Mag-isa na lang din ako kaninang pumunta ng mall,
naglakad-lakad, sumakay ng escalator, pumili ng damit. Wala akong matanungan
kung okay ba yung pinili ko, kung sa tingin niya maganda ba?
Mag-isang bumaba ng LRT at sumakay ng tricycle. Mag-isang
bumaba, tumawid at naglakad.
Wala rin akong ganang magtrabaho kanina. Inaantok ako at
parang ayaw gumana ng utak ko. Alam mo yung feeling na parang malalim yung
iniisip mo, pero ang totoo hindi mo alam kung may iniisip ka nga ba o
napapatulala ka lang talaga. Naguluhan ka ba? Ako rin eh.
Sa sobrang antok, lumabas na lang muna ako ng office para
maglakad-lakad. Hindi magandang magbabad pa ako sa pag-upo at pagdama sa lamig
ng aircon, baka hindi ko mamalayan mkatulog pa ako. Inikot ko yung isang kanto
sa Intramuros, mukhang tanga lang pero epektib. Kahit papa’no nawala anok ko.
Balik ng office, sabay upo… titig sa monitor…wala…wala
talagang lumalabas. Konting pilit pa..hayun, kahit papa’no may lumabas nang
ideya.
Sana bukas paggising ko, kasabay ng pagtanggal ng muta,
maalis na rin itong di magandang nararamdaman ko. Sana kasabay ng pagmumog ko,
maibuga ko na ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Wasak dude!
(Pasensya na padrama muna, di na kaya eh. Salamat)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento