Dami ng work load kanina. Nakakapagod. Pero okay lang,
ganito talaga pag nagtatrabaho. Hirap kumita ng pera.
Naalala ko tuloy dati noong nag-aaral pa ako, dahil hindi ko
pera yung ginagastos ko, okay lang bumili. Pero ngayon na pinaghirapan ko ang
pera ko, bawat sentimo, nakakapanghinayang gastusin. Kahit sa pagkain pa.
Dalawang araw ko na yatang nakikita yung ad ng isang sikat
na broadcasting company dito sa bansa.
Nangangailangan kasi sila ng Radio
Announcer, Production Assistant at iba pang related course. Simula pa lang,
radio dj na talaga ang gusto kong maging trabaho. Kaya lang hindi binibigay.
Hindi yata will ni God. Pero syempre sa kabilang banda ng isip ko, sana matupad
pa rin. Naeenjoy ko naman itong trabaho ko ngayon. Mababait ang mga tao at ayos
naman trabaho, kahit paano eh related sa tinapos ko. Mas kailangan ko kasi ng
pera ngayon. :D
Hindi maganda ang timpla ng mood ko kanina, ang daming
conflict. Pero ayoko ng isa-isahin pa. Sana turuan ako ni God na wag masyadong
mag-alala sa mga bagay-bagay at magtiwala lang sa Kanya.
Inaantok na ako. Good night kaibigan.
P.S Gusto ko pa lang magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin kanina.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento