Sarap ng Nutella at chocolates na inabutan ko sa bahay.
Nakakawala ng pagod.
Post ko kanina sa FB, “Paano kung dumating na ang matagal mo
nang pinapangarap? Dumating ng may nagmamay-ari na sa’yo. Ano ang susundin mo,
ang sinasabi ng puso mo, o ang idinidikta ng isip mo?”
Well, it’s not about love at all. It’s about my career.
Nagulat ako kanina nang makatanggap ako ng isang text
message mula sa isang radio company na pinapangarap ko. Hindi ko inaasahan
iyon. Ang masama lang, may maayos na akong trabaho ngayon.
College pa lang doon ko na talaga gustong magtrabaho. O di kaya ay sa kahit anong radio station.
Masasabi kong mapagbiro nga talaga ang tadhana. Malapit na nga akong mapikon.
Pero wag naman sana.
Unang beses, am radio station vs. tv network. I chose the
t.v network. Pero isang buwan pa lang nagresign na agad ako.
Pangalawang beses, government company vs. government-owned
radio company. Sa pagkakataong ito, pinili ko na yung radio station. Tatlong
screening, nalampasana ko. Tanggap. Tatlo kaming napili. Pero pagkatapos nung
huling stage, sabi nila wala pa raw budget kaya hindi pa ako makakapagsimula.
Maghintay na lang daw muna.
Naghintay ako. Hindi pa nga nagsisimula, natapos na agad.
At heto, pangatlong pagkakataon, print industry vs. radio
company na pinangarap ko. Di ko alam kung anong pipiliin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento