Unang araw ng pag-aayuno ngayon. Isang meal lang ang kinain
ko kanina. Kanin at nilagang baka. :D
Pero pagdating nung tanghalian galit muna kami ng kanin,
chopsuey ay isang saging lang ang kinain ko. Hindi na rin muna ako nagmerienda.
Sa hapunan naman, isang pirasong peras ang tinira ko. Kahit papa’no mabigat
naman sa tiyan. Pero parang mas mabigat itong mga liquid na namumuo sa mata ko.
Kaya hindi mapigilan ang unti-unti nitong pagbagsak.
Nasaktan ko ang isang taong minahal ko at patuloy na
nagmamahal sa akin. Pagdating talaga sa problema ng puso, bomalabs ako.
Maraming mga bagay na kasi ang hindi naming napagkakasunduan.
Dumadalas ang mga pag-aaway at samaan ng loob. Ako na ang humiling na itigil na
namin at baka lalo lang namin masaktan ang isa’t isa kapag itinuloy pa.
Walang madaling paraan para magpaalam. Pareho kaming
nasaktan. Nakakapanghinayang lang yung mga magagandang bagay na napagsamahan namin.
Pero umaasa ako na balang araw maging magkaibigan pa rin kami. At idinadalangin
ko na makita niya yung tamang babae para sa kanya.
Ako, hindi na muna siguro papasok sa isang relasyon. May
problema talaga ako sa commitment aminado naman ako dun.
Sa’yo na muling nagparamdam sa akin kung paano umibig at
mabigo, maraming salamat. Maraming salamat sa mga napakagandang alaalang nagawa
natin sa ilalim ng araw at sa liwanag ng buwan.
I would never regret the day that I met someone like you; a
gentleman who loved me so dearly. It’s just so sad that it didn’t work for us.
But I hope and pray that somewhere in the middle of the night, we will meet
that star who will make our lives so bright.
Hinding-hindi ko malilimutan iyong pitong buwan ng
pagmamahal, galak, inis, at pamamaalam. Patuloy kitang mamahalin, hindi man
bilang isang kasintahan, kundi bilang isang taong may espesyal na lugar sa puso
ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento