Yahhooo!! Happy New
Year!
Ang bigat ng tiyan ko sa
dami ng nakain kanina. Kaya naman naisipan ko nang simulan magsulat habang
nagpapatunaw ng bodega ng pagkain sa tyan ko. Medyo exciting para sa'kin itong
challenge na ito. Sa kadahilanang para ng baga ng apoy na binuhusan ng tubig ang
kagustuhan kong magsulat. Yung tipong wala na yung apoy, usok na lang ang
natira. May mga pagkakataon kasi na hindi sapat ang salita para ipahayag ang
nararamdaman.
Sa kabilang banda,
isantabi na lang muna natin ang kalungkutan noong nagdaang taon, bagkus
salubungin natin ang bagong taon na may malaking ngiti! Wooot…wooottt!!
Wala ng mas gaganda pa
na simulan ang bagong taon sa pamamagitan ng pagbisita sa ating Dakilang
Lumikha. Kasama si Daddy, Nanay at Apple, nagsimba kami para magpasalamat sa
nagdaang taon, sa panibagong pagkakataon at para humingi na rin ng gabay.
Pagkatapos, dumiretso na
kami sa bahay para magtanghalian. Tinikman ko ang bago kong specialty na
macaroni. Naks! Nakakaproud, hindi lang pancake at grahams ang kaya kong gawin
ngayon! Yahhooo! Aprub naman daw sabi nila, sabi naman ng ibang nakatikim
kulang daw sa mayonnaise, basta kahit anupaman lasa, para sa’kin, the best pa
rin ang macaroni ko :)
Lumabas muna kami ng
bahay ni Apple para magliwaliw. Medyo nakakainip rin palang tumambay sa loob ng
bahay ng ilang araw. Nakakasawa makipaglaro at makipag-usap sa gadget.
Matapos ang ngawit -panga
na kwentuhan, umuwi muna kami ulit. Darating kasi si jowadik. Nadala ata noong
pasko kaya bumawi ngayon. Ito yung unang pasko at new year na may matatawag
akong partner, pero sa kasamaang palad, habang nagtatagal kami, doon namin nakikita
yung mga pagkakaiba namin. Pero magkagayunman, pinili ko pa rin na maging
masaya kanina. “Life is a matter of choice”, ika nga nila.
Cliché na siguro itong
description ko, pero salamat sa roller coaster ride na 2013. Salamat sa mga
masakit sa tyan na tawanan, di malilimutang iyakan at super intense na mga
challenge na sinakyan ko noong nagdaang taon.
Excited na ako sa
surprises ng 2014. At dahil year of the wooden horse ngayon, sana tadyakan ako
ng swerte at sipain kami ng mas marami pang blessings!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento