“Alam ko, kapag natapos na ang yugtong ito, magpapasalamat
ako sa’yo. Magpapasalamat ako sa sakit na naidulot mo. Dahil sa tamang panahon,
yayakapin kong muli ang pag-ibig at hahawakan ang langit. Muling maglalakabay
ang puso ko sa kawalan tulad ng isang malayang ibon; minsang nabalian ng pakpak
ngunit muling natutong lumipad.”
Status ko sana yan sa fb kaso baka madrama na masyado. Kaya ditto
ko na lang isinulat. Bukod kasi sa mga kaibigan ko, ito lang naman ang isa sa
platform kung saan malaya kong naipapahayag ang saloobin ko. Ang sarap talaga
magsulat, para itong isang gamot na panandaliang nakakapaghilom ng sakit ng
katawan. Parang sinisilipan mo ang sarili mong isipan.
Ayoko sanang pumasok kaninang umaga, ang kaso naalala ko
yung mga tambak na papers sa lamesa ko. Ayokong gapangan ng ipis.
Kahit medyo wala ang utak ko sa ulo ko kanina, kahit papaano
nakapagfocus pa rin naman ako sa trabaho.
Ui! May unexpected call ulit ako kanina:) Si Ella tumawag at
nangungumusta. Nakakagaan ng pakiramdam kapag naaalala ka ng mga kaibigan mo.
Kahit mugto ang mga mata ko, nakangiti pa rin kahit paano ang puso ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento