Naglalaro ng sugar crush habang nag-iisip ng maisusulat.
Paboritong araw ko talaga ang Linggo dahil ito lang ang rest
day ko. Pero ayokong isipin na Lunes na bukas. :D
Maaga kong inalarm ang cellphone kanina para maagang
makapaglinis ng bahay. Ito lang din kasi ang araw na nakakatulong ako dito.
Paghuhugas lang ng pinggan ang ginagawa ko mula Lunes hanggang Sabado eh.
Minsan hindi pa.
Pagkatapos maglinis ng bahay nag-ayos na ako para magsimba.
Date with God. J
Maganda ang series ngayon sa Victory. It’s about Fight. According
to the Pastor, there’s always a fight or battle in every aspect of our lives.
We have to be vigilant who the real enemy is. Ang isa sa mga tumatak na salita
niya sa akin kanina ay “We are fighting from victory, and not for victory”.
Ibig sabihin, nanalo na tayo, sa pamamagitan ni Jesus. Kumbaga sa boxing, we
are already the champion, and not the challenger. What we have to do is to
defend our title. Panatilihin ang pagiging isang mabuting Christian at labanan
ang pang-uuto ni Satan.
Pagkatapos ng service, kakain sana ako dun sa restaurant na
may unli rice. Pero naisip ko, baka inuuto lang ako ni Satan, gluttony yun. Lels.
Hindi pa kasi masyadong sanay ang tyan ko sa pagkain ng maraming kanin, matapos
ang limang araw na fasting. Kaya ang bagsak ko, 4 na piraso ng siomai na may
kaunting rice at juice. Hindi na rin yata ako sanay kumain mag-isa. Ang lungkot
ng siomai at fried rice.
Pag-uwi ko, tirik na tirik ang araw sa kalsada. Ilang minute
lang akong naglalakad pero pakiramdam ko natusta na ako. Buti na lang sa loob
ng bahay medyo malamig. Enero na ngayon pero ang panahon, malamig pa rin. Dahil
sa wala naman akong gagawin ngayon, natulog na lang ako. Sarap, tagal ko na
ring hindi nagagawa matulog ng tanghali. Ito ang kagandahan pag walang lablayp,
nadadagdagan ang oras mo para sa sarili. Mas may oras ka para magpahinga at
magkaroon ng “me time”. :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento