Nakita ko siya kanina. Ganito pala yung pakiramdam kapag
nagkita kayo ulit ng taong minsan mong minahal at ngayon ay kakilala na lang.
Ganito naman talaga, walang permanente sa mundo. Ang
pag-ibig, tulad ng bulaklak, ubod ng ganda sa simula ngunit daglian din namang
nalalanta.
Sinabi ko noon sa sarili ko kapag nagkita kami, okay na ako.
Masaya. Pero hindi iyon ang nangyari kanina dahil nagtatago sa sulok ng utak ko
ang katotohanang nasasaktan pa rin ako sa paghihiwalay namin. Sinasabi ko ito
hindi dahil gusto kong magkabalikan kami. Siguro dahil kahit papaano may
pinagsamahan din naman kami. Gusto ko nga sana siyang kumustahin. Kumusta kaya
ang trabaho niya. Gusto niya pa rin kayang mag-aral? Maaga pa rin kaya siyang
nagigising dahil kailangan niyang magbukas ng gate sa mga driver? Pero siyempre
hindi ko naman pwedeng gawin iyon dahil wala ng dahilan.
10:30 na nang makauwi ako ng bahay galing sa exhibit. Bukas maaga
pa akong papasok ulit sa trabaho.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento