Stress o stretch?
Kung mayroon man akong gustong mapabuti sa pag-uugali ko,
ito ay yung pagiging mahinahon. Kadalasan kasi, sa dami ng ginagawa, hindi ko
maiwasang hindi mag-alala. Aminado naman ako na minsan ay sumusobra. Kaya’t
nais kong matutunan kung paano ikokontrol ang ganitong uri ng pagkilos. Sana ay
turuan ako ni God na pahabain pa ang pasensya ko at sana rin ay turuan Niya ako
kung paano ihandle ng maayos ang stress.
Lahat na lang kasi yata ng task ko kanina, urgent.
Pero kanina, habang nakasakay ako ng LRT, nakapagsave ako sa
cellphone ko ng isang parang verse for the day:
“Focus on your dream and not on Goliath. Problems may
sometimes look bigger, but don’t focus on the flaws of life. Take a deep breath
and remember the reason why you are fighting in the first place. Just how a
photograph shows a good angle, learn to see the positive side of life. It’s a
matter of perspective, my friend”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento