Haixt! Ayaw akong tigilan ng mga officemate ko sa pang-aasar
dahil dun sa nangyari nung Sabado. Lahat sila ay tinutukso ako kay Hamm.
Pumunta pa siya sa area naming kanina para magpacute lang. Kulit much!
Dinalaw ko ulit yung tita ko na may sakit kanina. Lalong
namaga ang mga paa niya at lumaki yung mga pantal sa katawan. Masakit para sa
akin na makita siyang may sakit. Para ko na rin siyang Nanay. Napapaisip tuliy
ako. Kaya ko gustong yumaman eh. Para sa mga pagkakataong tulad nito, madali ko
silang matutulungan at maipapagamot.
Sana pagalingin na siya ni God.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento