Back to Manila. Back to reality.
Ang agang mambwisit ng computer ko sa office. Lalo tuloy
nagkakapatong-patong ang mga tasks ko. Kung mayroon lang akong ekstrang
computer sa bahay matagal ko nang dinala. Nakakaawa na computer ko sa office.
Gusto na magretired.
Dami nakapansin sa aura ko ngayon. Parang may kakaiba raw sa
akin. Siguro dahil medyo fresh pa mula sa bakasyon. Ilang araw ring walang
stress at puro tulog ang ginawa ko. Pero after lunch, balik na ulit sa dating
itsura. Hagardo Versoza.
Nakatanggap na naman ako ng text message kanina mula sa
dream company ko. Senyales na ba ito???
Nakakatawa talaga magbiro ang tadhana.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento