Kagabi pa lang nakahanda na ang mga gagamitin ko para sa
paglalaro namin ng badminton mamaya ni Max. Excited ako dahil ang tagal ko nang
hindi nakakalaro nito.
Maaga akong nakarating sa office. Binuksan ko kaagad ang
computer para masimulan na ang mga tasks ko para sa araw na ito. Nakaplano na
sa utak ko ang gagawin pero parang wala ako sa focus magtrabaho. Minsan talaga
may mga araw na tulad nito. Yung para bang wala kang gusting gawin kundi
tumunganga. Pinilit ko namang labanan ang pakiramdam na ito. Kahit papaano ay naging
produktibo naman ako pagdating ng hapon.
Napakinggan ko na iyong output ng voice recording namin
kahapon. Medyo walang dating para sa akin yung T.V commercial. Hindi ko naman
sinasabing pangit pero hinahanap ko kasi yung tipong mapapawow ang pagkatapos
magplay ng video. Samantala yung sa radio naman, medyo naging maayos nung
tinaasan ng kaunti yung pitch.
Bandang huli, nagpasya ang nakakataas na magtry ulit ng
bago. Sayang effort, pero mas mabuti nang ulitin kaysa naman maging “pwede lang”
ang output.
Siya nga pala, muntik ko nang malimutan, may kabilisan na
ngayon ang computer ko. Yey! Nilagyan kasi ng extra memory ni Chinito. Galing!
Pwede na ako magphotoshop nang hindi nakakunot ang noo sa sobrang bagal ng
computer. Kumbaga “think before you act” ang peg niya. Tagal mag-isip.
Ako na naman ang tampulan ng asaran kanina. Bumaba sa area
ko yung mga tropa ko sa graphics dept.para magtanong tungkol sa project namin.
Ang lakas mang-asar. Tinutukso nila ako dun sa isang artist na si Ryan (hindi
niya totoong pangalan). Cute naman si Ryan, medyo chubby nga lang. Mukha rin
namang mabait. Kaya lang medyo nakakailang na kasi kapag tinutukso sa isang
lalaki. Minsan kasi sa kakatukso nila, di maiwang tuluyang mahulog ang isa.
Pag-akyat ni Sir S sa dept. nila, tumawag pa siya para sabihing bababa raw si
Ryan at may dalang bulaklak.
Yun pala, ang tinutukoy niya eh yung design ng logo na
gagamitin sa Panagbenga. Sunflower! Laughtrip sa office!
Maaga ako lumabas ng office kasi nga may laro pa kami ni
Max. Dumaan muna kami sa SM para bumili ng shuttlecock at inumin. Pagkatapos,
dumiretso na kami sa Badminton City. Sa kasamaang palad, wala ng available na
court. Bad trip! Excited pa naman ako.
Kaya naman ang dapat na exercise ay nauwi sa “eatxercise”.
May pampatulog yata yung pizza na kinain ko kanina.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento