Love is in the air.
Kakaiba yung atmosphere ngayon. Parang ang sarap biglang
makipagdate. Lahat ng tao nakangiti. Puno ng flowers sa paligid. Akala ko
Undas, Valentine’s day pala.
Pagpasok ko sa office, nagulat ako may box of chocolates na nakapatong sa lamesa ko. Ayyiiee... Kahit papa'no, may nakaalala sa akin. Galing sa boss ko yung chocolates. Sweet. :)
Maya-maya pa dumating yung isa ko pang officemate at stem of rose naman ang ibinigay. Nakakatuwa. Sinong magsasabing pang magkasintahan lang ang Valentine's day.
Para makisali sa espesyal na araw na ito, namigay rin ako ng chocolates sa officemates ko, pati na rin sa graphics dept. na lagi kong kinukulit.
Hindi ako nagpapakaplastic, pero masaya talaga ako ngayon. Oo nga't wala akong boyfriend, pero marami namang nagmamahal sa akin. :)
Kaya sa lahat ng single dyan na katulad ko, wag malungkot. Sabi nga ni Ramon Bautista, "There's more to life than love".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento