Naranasan mo na ba yung minsan gigising ka sa umaga na para
bang wala ka sa mood at ang gusto mo lang ay matulog o di kaya’y humilata
maghapon? Ganito ako kanina. Halos mag-aalas sais na ng umaga nang bumangon ako
para maghanda sa pagpasok.
Ayoko ng ganitong pakiramdam. Para bang wala akong
motibasyon para pumasok sa trabaho. Minsan parang pakiramdam ko, walang
kahulugan yung mga ginagawa ko. Pero hindi ko lang naman ngayon ito naramdaman.
Naranasan ko na rin itong ganitong pakiramdam sa dati kong trabaho. Siguro
normal na minsan maramdaman ng isang tao na para bang nakakasawa na ang mga
ginagawa niya. Nagkaroon tuloy ako ng ideya na bakit hindi ko subukang baguhin
naman ang routine ko para hindi ko maramdaman ang pagsasawa. Inaalala ko nga
kung pati noong kolehiyo naramdaman koi to, pero parang hindi naman.
Sa kabilang banda, kapag naiisip ko naman ang
pangangailangan ng pamilya ko, kahit papaano’y lumalakas ang loob ko’t
nagkakaroon ako ng dahilan para pumasok.
“Mabuti ang isang taong nag-iisip ng paraan kung paano niya
mapapaunlad ang kanyang sarili sa bawat araw. Tulad niya ay isang halaman na
nakatanim sa matabang lupa, mainam na nadidiligan ng tubig ng karunungan at
nasisinagan ng liwanag ng karanasan”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento