Ang
aga kong nakarating ng opisina. 7:36am ang nakalagay sa time card ko. Ang
kaunti pa lang tao. Inaantok pa rin ako.
Inumpisahan
ko na ang mga dapat kong gawin para sulitin ang oras at pagkakataon. Mas
gumagana kasi ang utak ko sa umaga. Pagdating ng 8:45, dumating yung isa kong
officemate at nagyayang kumain. Kahit na nag-almusal na ako sa bahay, sumama pa
rin akong kumain. Parang nasa mood kasi akong lumamon ngayong araw. 2 pancake
at isang cup ng brewed coffee ang kumumpleto sa umaga ko.
Pagbalik
ng office, balik trabahao ulit. Pero 11am pa lang, nagugutom na naman ako at
hindi ko na mahintay na sumapit ang alas-dose. Excited akong maglunch. Beef
caldereta ang dinali ko.
Alas-tres
ng hapon, binigyan ako ng isa ko pang officemate ng burger. Habang sinusulat ko
ito, gusto ko ng kainin. Tinititigan ko yung burger pero ayokong hawakan. Kasi
panigurado, mauubos na naman ito. Ayoko pang kumain kasi halos kakatooth brush
ko lang. Ayoko ng lasa ng pagkain pagkatapos kong magtooth brush.
Hindi
ko alam kung kakainin ko itong burger sa tabi ng keyboard ko kasi nagyayayang
magmerienda mamaya after office hours yung barkada ko. Pero hindi ko yata
matitiis ang mabangong amoy nito. Kakainin ko na nga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento