Umambon
kaninang umaga habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Hindi na ako
bumalik para kumuha ng payong dahil inisip kong hindi naman siguro lalakas at
magpapatuloy ang ulan.
Pero
pagdating ng tanghali, noong lumabas kami para kumain, biglang bumuhos ang
malakas na ulan. Hindi tuloy kami agad nakabalik sa opisina. Pagkatpos kumain
ng tanghalian, nanlibre na lang ang boss ko sa isang coffeeshop at doon kami
nagpalipas ng oras. Naglalabas siya ng kanyang mga saloobin ukol sa sistema ng
opisina. Kapansin-pansin ang kanyang mga matatalinong opinyon. Mag-aalestres na
yata ng hapon ng makabalik kami.
Hindi
ako masyadong sanay na kasamang kumakain sa labas ang boss ko. Siguro dahil
nag-aalala lang ako na mahaluan ng personal na koneksyon ang ugnayan namin. Sa
kabilang banda, maganda rin naman kung kaibigan mo rin ang boss mo, pero para
sa akin kasi, mas gusto kong hanggang trabaho lang ang ugnayan namin. Mahirap
na kasi minsang mahaluan ng personal at hindi maiwasang hindi magkasundo sa
ilang mga bagay. Tulad na lamang ng nangyari noong thesis namin. Mga kaibigan
kong matalik ang mga kagrupo ko. Pero pagkatapos ng thesis, nagkaroon ng gap,
dahil hindi maiwasang personalin ang mga trabaho na dapat ay “trabaho lang”.
Sabay
kaming umuwi ng bago kong kaibigan dito, si Jolina (hindi niya totoong
pangalan). Sa halip na sa loob ng Divisoria dumaan ang jeep na sinasakyan
namin, sa Lucky China Town ito dumaan. Sabi niya hindi pa raw siya nakakapasok
sa loob ng Mall na iyon. Kaya naman ipinasyal ko siya. Kumain kami ng halo-halo
at fries.
Excited akong umuwi ng bahay
pagkatapos namin kumain ni Jolina. Matatapos na kasi ngayon ang Got to Believe.
Iniisip ko kasi, ikakasal si Chichay at Joaquin kaya naman ayoko talagang
palampasin ang eksenang iyon. Sa panunuod na nga lang ako ng T.V kinikilig eh.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento