Nakaupo ako dito sa may veranda ng office para hintayin yung
isa kong officemate. Sabay kasi kami sa pag-uwi. Ang lakas ng hangin ditto.
Tamang-tama ang himno ng hangin para kahit papaano ay mawala ang pagod ko sa
maghapon.
Galing ako sa job fair kanina sa Megamall. Ang haba ng pila
ng mga aplikante na nagbabakasakaling matagpuan ang kanilang kapalaran sa lugar
na ito. Ang sakit nan g paa ko sa paglalakad at pag-aayos ng mga dapat ayusin.
Ika-limang buwan ko na sa trabaho ngayon. Sa awa ng Diyos
hindi pa naman nila ako pinapaalis. Sana nga ay nagustuhan ng management ang
performance ko para maging regular na ako dito. Nagugustuhan ko na ang trabaho
ko rito. Kahit na paminsan- minsa ay pagod, alam kong ang mga natutunan ko rito
ay babaunin ko balang araw. Naniniwala kasi ako na kung anong ginagawa ko
ngayon ay isang pagsasanay upang maihanda ako sa mas malaking responsibilidad
na hahawakan ko pagdating ng panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento