Linggo, Marso 30, 2014

DAY 88 (March 29, 2014)

Nanuod kami ng basketball kaninang lunch break. Nakakatawa ang graphics dept. Inaasar nila yung isang artist sa'kin tuwing makakashoot. 

Kaya lang hindi masyadong okay ang pakiramdam ko ngayon. Nilalagnat ako kaya nag-undertime na lang ako.

Biyernes, Marso 28, 2014

DAY 87 (March 28, 2014)

Nakakakilig. Nakatanggap ako ng compliment sa boss ko. :)

DAY 86 (March 27, 2014)

Walang Umaga sa Casa Ligaya.. isang theater play na tumatalakay sa natatagong kwento ng mga lalaking nagbebenta ng aliw. 

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapanuod ng play kaya nang magyaya ang mga kaibigan ko sa dati naming paaralan, hindi ko na tinanggihan. Nakakamiss rin pala maging bahagi ng ganitong production. Habang naglalakad ako papasok sa auditorium, hindi ko napigilang alalahanin iyong mga panahong pabalik-balik at patakbo-takbo kami rito dahil hindi magkandaugaga sa paghahanda sa pagtatanghal. 

Nag-enjoy naman ako sa palabas kagabi. Magaling magsipagganap ang mga artista at kapansin-pansin ang ganda ng indayog ng mga dancer. Napukaw rin ang aking mata ng mga props. Sa kabilang banda, sa kalagitnaan ng palabas, naramdaman kong medyo lumaylay ang istorya. May mga pagkakataon na puro kwento na lang. Pero sa kabuuan, maganda ang habi ng istorya.

DAY 85 (March 26, 2014)

Ang bilis ng araw. Kalagitnaan na agad ng linggo.

Itinuloy namin yung brainstorming activity sa office. Enjoy nung umpisa. Pero habang tumatagal, medyo boring na. 

Hindi ako agad umuwi ng bahay dahil late na rin natapos yung session. Hinintay ko pa si Max dahil nasa area lang daw siya para magjogging. Tumulong na rin ako sa Graphics Dept. sa invitation na ginagawa nila para sa event. 

Martes, Marso 25, 2014

DAY 84 (March 25, 2014)

Excited akong magsulat ngayon dahil sa dami ng nangyari ngayong maghapon. 

Isang napakagandang umaga ang bumungad sa akin paglabas ko ng bahay. Sa aking paglalakbay, ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin dala ng pag-ulan kahapon. Sa imahinasyon ko ay nakangiti ang mga ulap at marahang sumasayaw ang mga puno.

Medyo napaaga ata ako ngayon. Pero ayos lang dahil mas nakakapag-isip ako kapag tahimik. Kaya naman sinimulan ko na kaagad ang trabaho.

Ikalawang taon na ngayon simula noong ako ay nagtapos ng kolehiyo. Sariwa pa sa akin ang mga halakhak na hanggang ngayo’y nakaukit pa rin sa aking puso. Gayundin ang kislap sa aking mga mata dahil sa wakas ay nakamit ko na ang kapiraso ng papel na magsisilbing tiket ko tungo sa katagumpayan.

Pero mas mahirap pala ang pakikibaka sa labas ng apat na sulok ng paaralan. Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi naging madali para sa akin ang mga unang buwan o marahil ay pati na ang unang taon ko sa trabaho. Naranasan kong maging butterfly na palipat-lipat ng bulaklak. Dumating sa punto na hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung ano ba talaga ang gusto ko. Parang isang puzzle na hindi mabuo dahil sa nawawalang piece.

Hanggang sa mapunta ako dito. Sa wakas, mayroon rin akong nasumpungan na masasabi kong gusto ko at nag-eenjoy akong gawin. Kaya lang, wala nga raw perpekto sa mundo. May mga pagkakataon din kasi na hindi ako natutuwa dito. Katulad na lamang ng nangyari kanina. Kung nakakain lang ang tsismis at issue, busog na busog na ako.

Kahit kailan, walang mabuting naidulot ang tsismis sa loob ng isang organisasyon. Para itong isang anay na unti-unti sumisira sa kaloob-looban ng isang kahoy. Magugulat ka na lang, isang araw malapit na pala itong masira.


Sa kabilang banda, hindi ko talaga nagustuhan iyong tagpong iyon kanina. Siguro sadyang hindi niya lang ako gusto, kung kaya’t ganoon siya makitungo sa akin. Pero sa parehong paraan na gusto niyang pinapakinggan siya at ayaw niyang pinuputol siya habang nagsasalita, ganoon rin naman ako. Kung sana binigyan niya ako ng pagkakataon para maipaliwanag ang lahat…kung sana hindi niya sinisingitan ang bawat sasabihin ko, mas naging maayos sana. Pero hindi ito yung nangyari, dahil magaling siya at nagsisimula pa lang akong matuto. Ok lang. Naiintindihan kong parte ito ng tinatawag nilang “realidad.” Siguro hindi pa ganoon katibay ang sikmura ko sa mga ganoong uri ng tagpo. Sabi nila dapat daw akong masanay. Masanay saan? Masanay na sindakin at sigawan? Masanay na hindi mapakinggan? Masanay na may mga tao talagang hindi iniisip ang maaaring maramdaman ng iba? Siguro nga, dapat akong masanay. 

Pero hindi ito ang magpapasuko sa akin. Naniniwala ako na may dahilan ang lahat ng nangyayari. Ang mga pagsubok na ito ang siyang kukumpleto sa higit na magandang yugto sa hinaharap. Hindi tutulis at gaganda ang sulat ng lapis kung hindi ito tatasahan.

Lunes, Marso 24, 2014

DAY 83 (March 24, 2014)

Nakakatawa na nakakainis ang araw na ito. Lahat na lang sila napapansin ang suot ko. Isang puting 3/4 blouse, skirt at high heeled shoes ang suot ko kanina sa office. Hindi ko alam kung anong mali. Natatawa na lang ako sa comment ng mga tao. May mga nagkagusto at meron din namang nang-okray.

Sabi ng iba, para raw akong teacher. Sabi naman ng isa para akong estudyante. May humabol pa na para raw akong principal. Hanep. Sa loob ng isang araw, sari-saring role ang nagampanan ko. May nakapagtanong rin kung saan daw ang misa.

Nakakaloka. Minsan  kapag naka-casual na damit lang ako, nakakarinig din ako ng comment na improve ko nang kaunti ang pananamit ko. At ngayong nag-office attire ako, ang dami pa ring comment. Nakakatawa talaga ang ibang tao. Minsan hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto nila o kung saan ba ako lulugar.

Naalala ko noong nakaraang araw, may nakapagsabi sa akin na lagi raw kasi akong nakangiti kaya akala ng iba, lagi akong nakikipagbiruan. Bawas-bawasan ko raw ang pagiging smiley face ko. So sinunod ko naman ang advice niya. Nagseryoso ako at binawas-bawasan ang pag-ngiti. Tapos may narinig pa rin akong comment. Ang sabi naman niya naman this time, "Bakit ang sungit mo?". ahhhhmmmm......Ano ba talaga? Pag palangiti ako, sabi bawasan, nung binawasan ko naman, nasabihan ako ng masungit. Ano ba talaga??!!! hahaha! Idaan na lang sa tawa.

DAY 82 (March 23, 2014)

Super duper ubod ng ganda ang pelikulang "The Book Thief."

Taas-noo ako sa karakter ni Liesel. Siya yung bida na kakikitaan mo ng lakas ng loob. 

Ang The Book Thief ay kwento ng isang batang babae, si Liesel na sa simula ay hindi marunong magbasa ngunit tinuruan siya ng kanyang step father na si Hans. Pinaampon si Liesel ng kanyang ina. Panahon noon ng pamumuno ni Adolf Hitler sa Germany. Ang sabi ng iba, komunista raw ang nanay niya kaya siya iniwan.

Ngunit sa gabay ng kanyang mga bagong magulang, maraming naranasan si Liesel na kinapulutan niya ng araw. Kabilang na nga rito ang pagkatuto sa pagbabasa ng libro. Nang ipinagbawal ni Hitler ang pagdadala o pagbabasa ng libro, dito nagsimulang kumuha si Liesel ng libro mula sa asawa ng opisyal na sa simula'y malaya siyang hinahayaan siyang magbasa.

Sinasalamin ng pelikula ang katotohanang sa gitna ng isang labanan, walang panalo. Dahil ang lahat ay talo. Kaawa-awa ang sinapit ng mga Jew sa kamay ni Hitler, ngunit gayun din, ang mga sundalong ipinapadala upang magtanggol sa kanilang pwersa ay nasasawi rin.

Ipinakita rin sa pelikula ang kapangyarihan ng salita. Isa sa paborito ko ang linyang binitiwan ni Max, "I'm not lost to you, Liesel. You'll always be able to find me in your words. That's where I'll live on."

Sabado, Marso 22, 2014

DAY 81 (March 22, 2014)

May naalala na naman ako kaninag pagkapunch ko ng time card ko sa office. March 23 na kasi bukas. Kung hindi kami naghiwalay, marahil 10 buwan na kami ngayon. Pero ganun talaga. Kasama yun sa twist ng buhay.

DAY 80 (March 21, 2014)

Nakakatuwa na maisama sa meeting ng mga head. Dahil ang gagaling nilang mag-isip. Ang dami kong natutunan. :)

Kaya lang noong malapit nang mag-uwian, medyo sumakit yata ang ulo ko sa ginawa naming product review.

DAY 79 (March 20, 2014)

Feeling tired and sleepy sa office.

DAY 78 (March 19, 2014)

Gabi na ako nakauwi ng bahay galing sa event sa Makati. Sobrang ganda ng view sa 71 Gramercy. Halos tanaw ko na ang buong Kamaynilaan.

DAY 77 (March 18, 2014)

Sorry..I skip today's diary

DAY 76 (March 17, 2014)

Manic Monday

Lunes, Marso 17, 2014

DAY 75 (March 16, 2014)

Favorite day ko ang Sunday. Kasi pwede akong mag-overtime sa kama. 9am na ako nagising para magsimba.

Ngayon na lang ako ulit makakaattend ng service sa Victory. Nitong mga nakaraang Lingo kasi, bukod sa may raket ako paminsan-minsan, sa San Roque kami nagsisimba. Half- Catholic at half- christian kasi ako. Parang mali para sa karamihan, pero pati na nga rin ako nalilito. Basta isa lang malinaw, si Jesus ang pinagsisilbihan ko kahit ano pa man ang relihiyon ko.

Pagkatapos ng service, diretso kami sa grocery ng kapatid ko. Namili ng kaunting chichiria, biscuits at mga pang personal na gamit. Sa bahay na kami naglunch. Pagkatapos kumain, diretso nood na ng pelikula. The Secret Life of Walter Mitty ang natipan ko. Medyo boring yung palabas. Inabot pa ng humigit-kumulang sa dalawang oras ang paghahanap sa negative #25 si Walter. Kung saan-saan siya nagpunta at kung anu-ano ang naexperience niya. Sa huli, nasa loob lang pala ng binigay na wallet sa kanya ang hinahanap niya. Pero inspiring yung pelikula. Sometimes, we travel the world searching and looking for something to make us whole not knowing that the piece missing can be found if we only "look inside" ourselves.

"To see the world, things that are dangerous to come to, to see behind walls, to draw closer, to find each other and to feel"- The Secret Life of Walter Mitty

DAY 74 (March 15, 2014)

Saturdate with Doningning. :)

Paramihan kami ng cup of rice sa isang fast food. Pero walang natalo dahil pareho kaming nakatatlo. Kakaibang food trip ngayong gabi. Matapos naming maubos ang tatlong cups ng rice, nagcrave pa si Doningning ng halo-halo. Lipat kami sa ibang fastfood para kumain ng halo-halo. Ang tagal namin sa pila, pagdating sa counter, wala na palang halo-halo.

Lipat ulit kami ng fast food. Ice cream na lang ang ginawang pamalit sa halo-halo.

Pag-uwi ng bahay, sobrang busog. Potek. Ang hirap matulog nito.

Sabado, Marso 15, 2014

DAY 73 (March 14, 2014)

While I am in the mode of remembering what are the significant things that happened to me this day I came up with a thought that we always wanted to be remembered as a good person but sometimes our acts contradict to this ultimate goal. I don’t know why sometimes, our acts are not leading to what we really want, maybe because we are all humans and we make mistakes. Intentionally or not, we have the capability to hurt someone’s feeling.

Today is a combination of sour and sweet feelings. I am thankful to know that all my efforts are well appreciated. I am thankful to meet a senior officer who has plans for me and who is willing to teach me; someone who doesn’t settle for mediocrity but someone who pushes me to do ordinary tasks extraordinarily well and right.  She told me the things that I have to improve but she also told me my strong points. I’m really looking forward to learn a lot of things from her.

The sour side is that she told me that she was informed by someone that I was scared of her. The truth is, at first I was intimidated and a little bit shy of her. The “scared” thing is something that was feed to me by other persons. They teased me that I was scared of her. But this experience taught me how to be careful with what I say and think a thousand times before I say a word.


Nevertheless, this day is something to be remembered.

Biyernes, Marso 14, 2014

DAY 72 (March 13, 2014)

Parang hindi masyadong gumagana ang isip ko ngayon. Siguro bunga ito ng malalim na pag-aalala kagabi. Nahalungkat kasi ng Nanay ko iyong medical report noong 2012 pa nang magpamedical check up ako for employment. Nakalagay kasi doon na "prominent neck". Napansin na rin ng officemate ko na medyo malaki nga raw ang leeg ko. Sana naman wala akong goiter.

Pagdating ng bahay, nagexercise na lang ako para kahit papano mawala ang mga alalahanin ko.

DAY 71 (March 12, 2014)

Pumunta kami sa Puerta Real kanina para magsagawa ng occular inspection sa gaganapin na Thanksgiving Party ng company. Ang ganda talaga ng lugar na ito. Medyo matagal na rin noong huli akong bumisita rito. Tulad ng dati, marami pa ring estudyante na nakatambay o di kaya'y nagsasanay ng sayaw.

Nalalapit na ang party kaya naman naghahanda na ang lahat sa malaking pagdiriwang na ito. Humigit kumulang daw sa 800 na tao ang dadalo. Good luck talaga sa'min.

DAY 70 (March 11, 2014)

Finally, I already signed the new contract. :)

Say hello to the next six months of employment!

Martes, Marso 11, 2014

DAY 69 (March 10, 2014)

Muntik na akong hindi makapasok ngayon dahil sa pagod na nararamdaman ko mula sa exhibit kahapon. Pero pinilit ko pa rin. Mabuti na lang at hindi naman masyadong tambak ang dapat kong gawin ngayon.

Tapos na ang fixed term appointment ko dito sa trabaho at nakakatuwang malaman na inirekomenda ako ng boss ko para maging probationary ang status ng employment ko. Kaunting tumbling na lang at regular na. :)

Lunes, Marso 10, 2014

DAY 68 (March 9, 2014)

Hindi ko maintindihan kung bakit pagkatapos niyong maghiwalay ng isang tao ay para bang hindi na kayo magkakilalang muli. Ganun na lamang bang kadaling kalimutan ang pinagsamahan at mapalitan ng sakit na naramdaman?

Kalungkutan, panghihinayang, at galit ang papalit sa nakaraang puno ng pagmamahal, pag-aalala at pagkakaibigan. Mula sa pagiging magkasintahan o matalik na kaibigan, ngayon ay magkakilala na lang sa pangalan.

Ganito ba talaga?



Sabado, Marso 8, 2014

DAY 67 (March 8, 2014)


Ang aga kong nakarating ng opisina. 7:36am ang nakalagay sa time card ko. Ang kaunti pa lang tao. Inaantok pa rin ako.

Inumpisahan ko na ang mga dapat kong gawin para sulitin ang oras at pagkakataon. Mas gumagana kasi ang utak ko sa umaga. Pagdating ng 8:45, dumating yung isa kong officemate at nagyayang kumain. Kahit na nag-almusal na ako sa bahay, sumama pa rin akong kumain. Parang nasa mood kasi akong lumamon ngayong araw. 2 pancake at isang cup ng brewed coffee ang kumumpleto sa umaga ko.

Pagbalik ng office, balik trabahao ulit. Pero 11am pa lang, nagugutom na naman ako at hindi ko na mahintay na sumapit ang alas-dose. Excited akong maglunch. Beef caldereta ang dinali ko.

Alas-tres ng hapon, binigyan ako ng isa ko pang officemate ng burger. Habang sinusulat ko ito, gusto ko ng kainin. Tinititigan ko yung burger pero ayokong hawakan. Kasi panigurado, mauubos na naman ito. Ayoko pang kumain kasi halos kakatooth brush ko lang. Ayoko ng lasa ng pagkain pagkatapos kong magtooth brush.


Hindi ko alam kung kakainin ko itong burger sa tabi ng keyboard ko kasi nagyayayang magmerienda mamaya after office hours yung barkada ko. Pero hindi ko yata matitiis ang mabangong amoy nito. Kakainin ko na nga.

DAY 66 (March 7, 2014)


Umambon kaninang umaga habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Hindi na ako bumalik para kumuha ng payong dahil inisip kong hindi naman siguro lalakas at magpapatuloy ang ulan.

Pero pagdating ng tanghali, noong lumabas kami para kumain, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi tuloy kami agad nakabalik sa opisina. Pagkatpos kumain ng tanghalian, nanlibre na lang ang boss ko sa isang coffeeshop at doon kami nagpalipas ng oras. Naglalabas siya ng kanyang mga saloobin ukol sa sistema ng opisina. Kapansin-pansin ang kanyang mga matatalinong opinyon. Mag-aalestres na yata ng hapon ng makabalik kami.

Hindi ako masyadong sanay na kasamang kumakain sa labas ang boss ko. Siguro dahil nag-aalala lang ako na mahaluan ng personal na koneksyon ang ugnayan namin. Sa kabilang banda, maganda rin naman kung kaibigan mo rin ang boss mo, pero para sa akin kasi, mas gusto kong hanggang trabaho lang ang ugnayan namin. Mahirap na kasi minsang mahaluan ng personal at hindi maiwasang hindi magkasundo sa ilang mga bagay. Tulad na lamang ng nangyari noong thesis namin. Mga kaibigan kong matalik ang mga kagrupo ko. Pero pagkatapos ng thesis, nagkaroon ng gap, dahil hindi maiwasang personalin ang mga trabaho na dapat ay “trabaho lang”.

Sabay kaming umuwi ng bago kong kaibigan dito, si Jolina (hindi niya totoong pangalan). Sa halip na sa loob ng Divisoria dumaan ang jeep na sinasakyan namin, sa Lucky China Town ito dumaan. Sabi niya hindi pa raw siya nakakapasok sa loob ng Mall na iyon. Kaya naman ipinasyal ko siya. Kumain kami ng halo-halo at fries.


Excited akong umuwi ng bahay pagkatapos namin kumain ni Jolina. Matatapos na kasi ngayon ang Got to Believe. Iniisip ko kasi, ikakasal si Chichay at Joaquin kaya naman ayoko talagang palampasin ang eksenang iyon. Sa panunuod na nga lang ako ng T.V kinikilig eh.

Huwebes, Marso 6, 2014

DAY 65 (March 6, 2014)

Nakaupo ako dito sa may veranda ng office para hintayin yung isa kong officemate. Sabay kasi kami sa pag-uwi. Ang lakas ng hangin ditto. Tamang-tama ang himno ng hangin para kahit papaano ay mawala ang pagod ko sa maghapon.

Galing ako sa job fair kanina sa Megamall. Ang haba ng pila ng mga aplikante na nagbabakasakaling matagpuan ang kanilang kapalaran sa lugar na ito. Ang sakit nan g paa ko sa paglalakad at pag-aayos ng mga dapat ayusin.


Ika-limang buwan ko na sa trabaho ngayon. Sa awa ng Diyos hindi pa naman nila ako pinapaalis. Sana nga ay nagustuhan ng management ang performance ko para maging regular na ako dito. Nagugustuhan ko na ang trabaho ko rito. Kahit na paminsan- minsa ay pagod, alam kong ang mga natutunan ko rito ay babaunin ko balang araw. Naniniwala kasi ako na kung anong ginagawa ko ngayon ay isang pagsasanay upang maihanda ako sa mas malaking responsibilidad na hahawakan ko pagdating ng panahon.

DAY 64 (March 5, 2014)

First Wednesday of the month. Ash Wednesday din.

Nagsimba kaming dalawa ni Max sa Sta. Cruz. Sabi sa homily ni Father, we should repent from all our sin.

Martes, Marso 4, 2014

DAY 63 (March 4, 2014)

Same old routine. Pero hindi ako nagsasawa. Baka may something new bukas :)

DAY 62 (March 3, 2014)

Panic Monday. Wala yung partner ko sa team kaya ang mga nakaassign na task sa kanya, paghahatian namin ng boss ko. Okay. Let's get it on.

Ang ending, parang pagkain sa KFC, fully loaded. 

Sa kabilang banda, napawi naman ang pagod ko sa pagkikita namin ng "old friend". He's still the same funny guy whom I met in high school. I enjoyed his "corny" jokes and with action na kwento. And then I realized how I missed him so much. 

Masaya ako na nakita ulit siyang masaya. I think he's really enjoying his job and he's happy with his girl friend.

DAY 61 (March 2, 2014)

It's a happy Sunday with my family.

Pagkatapos naming magsimba, niyaya ko sila para kumain sa labas. It's my treat! Yey! Minsan lang naman ang mga pagkakataong ganito, kapag sakto ang day off ni Daddy saka pag may ekstra akong pera. 

Pagdating sa bahay, nanuod ako ng pelikula at pagkatapos ay natulog. Sarap!

DAY 60 (March 1, 2014)

Nagkita-kita kami ng ilan sa mga high school dabarkads ko. Dapat talaga manunuod kami ng movie. Hindi ko pa kasi napapanuod yung Starting Over Again kung saan si Toni at Papa P. ang bida. Nahuhuli na ako. Halos wala na kasing oras para makapagliwaliw. Sabi nila maganda yung pelikula kaya naexcite akong panuorin. Kaya lang, nahuli ng dating si Maria. Kaya hayun, kumain na lang kami sa isang fast food. Nakakamiss yung mga ganitong kwentuhan. Simple. Parang high school ulit. Nanlibre si Tabs kaya mas masaya. 

DAY 59 (February 28, 2014)

Last day of February. Pay day! Yahoo!